Monday, August 24, 2009
Ano ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita?
"Kapitan Sino" ni Bob Ong (a portion of his latest book..try to read this..and contemplate..)
Tumawa si Tessa. Labag man sa isip, napatanong din si Rogelio makalipas ang ilang sandali. :"Mukha ba talaga akong tanga?"
"Hindi ah, sino may sabi nun?"
Ngumiti si Tessa nang tago ang ngipin at humarap sa kausap. "Wala akong paningin. hindi ako nakakakita ng maskara. Kung sino ka talaga, yun lang ang nakikita ko."
"Naku, kung talagang gwapo pala ako sa ilalim ng maskara e hindi mo rin malalaman yon!"
"Hindi ko malalaman, pero maaawa ako sa'yo."
"Dahil?"
"Dahil maraming pwedeng magkagusto sa'yo nang di ikaw ang nakikita nila kundi kung ano ang itsura mo."
"Um, oo, pero hindi ba mas mahirap ang buhay kung...kung kunyari kamukha ko si Bok-bok?"
"Una, hindi ko alam itsura ni Bok-bok. Pangalawa , hindi ba mas masarap mahalin nang di lang dahil sa itsura mo?"
"E kung dahil naman sa kayamanan? O kapangyarihan?"
"Hindi pagmamahal yon."
"E kung wala kang itsura, o pera, at walang magmahal sa'yo?"
"Naniniwala ka ba talaga sa mga tanong mo?"
"Hindi, pero -"
"Sabi ni Exupery, ang pinakamahalagang bagay sa mundo , hindi nakikita ng mata."
"Naniniwala ka ba talaga sa mga sagot mo?"
"Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita?"
"Paningin?"
"Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag."
"Ikaw, lahat ba ng hindi nakikita ng mata, nakikita mo?"
"Nararamdaman," bahagyang niyakap ni Tessa ang sarili para labanan ang lamig.
"Sabi ng tatay ko dati, wag daw akong malungkot dahil mga panlabas na anyo lang ang di ko makikita, pero mas makikilala ko ang mundo sa kung ano ito dahil di ako mabubulag ng mga anyo."
"Hehe."
"Ano'ng nakakatawa?"
"Wala. Naalala ko lang kasi si Bok-bok, naubos ang trenta pesos ko sa pakikipag-phone pal."
"Trenta?! Pwede na sya kumain sa Cindy's noon ah!"
"Parang ganoon na nga nangyari. Gumastos pa ulit sya nang magkita sila ng ka-phone pal nya sa Tropical Hut. Ubos ang naipon nya, pero walang nakapagsalita sa date. Ang alam ko manunuod pa sila noon ng Iron Eagle, pero nagkatakutan na yata. Hahaha."
"Nakakatakot nga."
"Si Bok-bok?"
"Na mapagkamalang hindi ka pwedeng mahalin, o mapagkamalan kang mahalin ng tao dahil sa itsura mo."
Subscribe to:
Posts (Atom)